naglakadlakad ako kanina mula u.n taft hanggang pedro gil, nakakapagod pala(^.^)
nakakapagod di dahil malayo ang nilakad ko, malapit lang u.n. at pedro gil... nakakapagod tanawin ang napakalapit na distansya ng maunlad at mahirap na pamumuhay sa kahabaan ng taft... bakod lang ang pagitan mula sa tituladong mga lugar hanggang sa pwesto ng mga sidewalk vendors at mga pulubi (wala akong maisip na magandang termino), kaunting distansiya ang pagitan ng mga kumakain sa foodchains at restawran mula sa mga nagugutom... ang sakit sa mata. ang sakit sa paningin... wala akong magawa kundi makisimpatya sa mga kapos palad na tulad nila... wala akong kakayahang tulungan sila... ang tangi kong magagawa ay ipanalangin na kahabagan nawa sila ng Diyos... Sana nga...
ilang simbahan ang nadaanan ko kanina, sana umaabot sa mga taong ito ang biyaya ng salita ng Diyos na naririnig nila mula sa mga tagapagsalita. Sana nga...
0 comments:
Post a Comment